FREE, FREE, AND FREE GADGETS! http://www.xpango.com/?ref=90668765
kaibigan,
Naalala mo pa ba nung una tayong magkasama sa isang laro o sa isang group activity sa klase natin? Hindi ko pa alam ang pangalan mo at sa malamang hindi mo rin alam ang pangalan ko. Pero nung lumipas ang bawat sandali, magkasunod nating natuklasan ang mga pangalan natin sa isa’t isa. Eto pala ang pangalan mo at ganito naman ang pangalan ko. Nabanggit mo na doon ka nakatira at sinabi ko naman na sa dako paroon naman ako nakatira.
Lumipas ang maraming linggo, marami na tayong napapagkasunduan. Pabagsakin ang mga eroplanong papel na ginawa natin, palubugin ang mga bangkang papel, dagitin ang ibang saranggola, batuhin ang mga pusa, gumala sa kung saang man natin gustuhin, magbaraha, magcomputer at kung anu ano pa. Masayang masaya natin yon ginagawa. At gusto kong lagi nating gawin iyon. Siyempre, hindi sa lahat ng oras ay puro saya lang trip natin. dapat mag-away tayo... kung saan ay nagawa nating baligtarin ang ikot ng mundo. Pinag-awayan natin ang ilang sa mga bagay na dati naman ay pinag-kakasunduan natin. Ang kantyawan natin na nagkapikunan, nagkamurahan, at pagkatapos ay nagsuntukan na tayo. Nagalit ka pa nang hindi ko pinagbigyan ang hinihingi mong pabor. Hindi kita pinansin pagkatapos mo akong pinahiya sa iba pa nating mga kaibigan.
Sa kabila ng ating di pagkaka-unawaan ay dumating sa puntong nasubukan ko ang tibay ng pagkakaibigan natin. Sinamahan mo akong makipagbasagan ng mukha sa mga tambay sa kabilang kanto kahit hindi ko naman sinasabi sa ’yo. At buong tapang naman kitang sinamahan sa pagresbak kahit na ako ay natatakot.
Magkaganun pa man, nais kong ipaalam sa ‘yo na ang pagkakaibigan natin ay hindi nagkataon lang, ito’y nakatadhana na. masaya ako dahil ikaw ang naging kaibigan ko. At huwag mo sanang kalimutan na alalahanin ang pagkakaibigan natin hanggang sa huli.
Sumasaiyo,
kaibigan
-kevin paul m. faustino, 2008
Barangay Pasong Tamo, Tandang Sora
Quezon City