The TIME Now
im watching
Tuesday, November 25, 2008
Sulat
kaibigan,
Naalala mo pa ba nung una tayong magkasama sa isang laro o sa isang group activity sa klase natin? Hindi ko pa alam ang pangalan mo at sa malamang hindi mo rin alam ang pangalan ko. Pero nung lumipas ang bawat sandali, magkasunod nating natuklasan ang mga pangalan natin sa isa’t isa. Eto pala ang pangalan mo at ganito naman ang pangalan ko. Nabanggit mo na doon ka nakatira at sinabi ko naman na sa dako paroon naman ako nakatira.
Lumipas ang maraming linggo, marami na tayong napapagkasunduan. Pabagsakin ang mga eroplanong papel na ginawa natin, palubugin ang mga bangkang papel, dagitin ang ibang saranggola, batuhin ang mga pusa, gumala sa kung saang man natin gustuhin, magbaraha, magcomputer at kung anu ano pa. Masayang masaya natin yon ginagawa. At gusto kong lagi nating gawin iyon. Siyempre, hindi sa lahat ng oras ay puro saya lang trip natin. dapat mag-away tayo... kung saan ay nagawa nating baligtarin ang ikot ng mundo. Pinag-awayan natin ang ilang sa mga bagay na dati naman ay pinag-kakasunduan natin. Ang kantyawan natin na nagkapikunan, nagkamurahan, at pagkatapos ay nagsuntukan na tayo. Nagalit ka pa nang hindi ko pinagbigyan ang hinihingi mong pabor. Hindi kita pinansin pagkatapos mo akong pinahiya sa iba pa nating mga kaibigan.
Sa kabila ng ating di pagkaka-unawaan ay dumating sa puntong nasubukan ko ang tibay ng pagkakaibigan natin. Sinamahan mo akong makipagbasagan ng mukha sa mga tambay sa kabilang kanto kahit hindi ko naman sinasabi sa ’yo. At buong tapang naman kitang sinamahan sa pagresbak kahit na ako ay natatakot.
Magkaganun pa man, nais kong ipaalam sa ‘yo na ang pagkakaibigan natin ay hindi nagkataon lang, ito’y nakatadhana na. masaya ako dahil ikaw ang naging kaibigan ko. At huwag mo sanang kalimutan na alalahanin ang pagkakaibigan natin hanggang sa huli.
Sumasaiyo,
kaibigan
-kevin paul m. faustino, 2008
Barangay Pasong Tamo, Tandang Sora
Quezon City
Sunday, November 23, 2008
kevs me! kevs me not!
Tuesday, November 18, 2008
Culiat High School
Just a night after my graduation ceremony in Cainta elementary school, my mom and I set up all the furniture and other appliances for moving it to our new home in Quezon City. During that time, I thought I would spend my vacation in Cainta and pursue my secondary study there. I felt sad that it would be happen anymore. What should I do? Just move on.
Since I’m here now in Quezon City, I must find a better school to continue my study. In the financial situation of my family, I’m cannot afford the tuition fees in the private schools such as New Era University, St. James Colleges, Ateneo de Manila…hehehe[ambisyoso kasi ako!]. so I just consider New Era High School, kasi, puro mga ‘kapatid’ ang mga nag-aaral doon… mga iglesia ni cristo member. However, nung enrolment day that time masyadong maglo kasi andaming nag-enroll. And I heard from other enrollees that the school might not accept students which are not residing in barangay Culiat and new era. Oooh so ganun pala ang mangyayari ata. Anyway I decided to go to Culiat High School.
Unlike in NESH, the flow of enrollment is smooth. Kaya sandali lang ako dun sa Culiat. Just before twelve noon. Just in time.
Then as a first year student, I am scared and nervous, like I always do. Lalu na nung mapabilang ako sa class section 2. So much pressure talaga. Yun nga lang hindi ko din pinagbuti kaya nung nagsecond year ako medyo bumaba ung class section ko. Adviser teacher namin si mam crisanta gurango, English subject ang tinuturo niya.
Mga classmates? [sana may matandaan pa ako]
Salvador fontanilla, luis macasinag, raymund elliares, roman Lawrence fortes, joy esquejo, princess tahara abantas, rachelle ang, irwen bigno, dodie karl nicanor, Jeffrey maraño, dennis martirez, …
The best thing I can remember in that year e nung matapos ung first high school-Christmas party ko, naging audience kami ng Today With Kris Aquino for the whole month ng December. Wa kasawa!
Second Year – Sir Joel Espina, Social Studies subject. Section 4. Haha pinapila niyan kami sa gym para gawin ang flag down ceremony mabuti na lang sinamahan kami ng section 12 ata? Hehe kasi kami lang ung class na hindi umattend ng flag down ceremony, nasa room lang kami at nagkakasiyahan, may mga nagbabasketball, naglalandian[totoo], harutan, sugalan, digits, and the usual daldalan.
Classmates: my ever loyal Raymond rusiana, lilet cuyco, christopherson sonza, Jeffrey maraño, dodie karl nicanor, Jennifer yacap, mary grace malcontento, coralyn orsal, ….
Pero the best experience ko noon ung nag-excursion kami sa bulacan. And ito din ung year na first time kong hindi umattend ng Christmas party.
Third Year – Mrs. Domingo, Chemistry subject, Section 4 ulit.
Fourth year – Sir Favila, Math subject. Section 3.
Sunday, November 16, 2008
Cainta Elementary School: 2008 na! Kumusta ka na?
kailangan kong iwan ang school na ito
at magtransfer sa Ugong Norte Elementary School
then i settled there hanggang grade 4 lang - 1997 .
at dun na rin ako grumaduate.
batch 1999.
eto sila:
Grade 2 - Mrs. Estonia? hehe pero malapit lang ang bahay niya sa school - madona ba yung name ng place niya? matagal na kasi kaya hindi ko na matandaan. section 3 class adviser siya. syempre magaling ako e.
"The Hellicopter and the Super Walis Tambo"
may dinidiscuss siya sa amin eh hindi ako nakikinig,
nakatingin ako sa bintana.
transparent ung bunita kaya nakikita ko ang mga bagay sa labas. ngayon habang nakatingin ako dun, may dumaang helicopter tapos biglang nag-stuck up na lang dun. ngayon nagtaka ako bakit tumigil sa ere ung choper na un. tapos kinuha ko ung walis tambo na nakakalat sa cleaning cabinet tapos ginawa ko siyang baril at pinababaril ko ung helicopter with SFX pa ha. hayun pinagalitan ako ni mam estonia at pina-squatt niya ako.
Grade 3 - Mrs. Normita Delas Alas, section 4 adviser. naging teacher ko lang siya for 3 months. kasi limipat nga ako ng school.
Grade 4 - Mrs. Martinez, UNES, QC
Grade 6 - Mrs. Ellen L. Francisco, section 5 adviser. madaming masasaya at malulungkot na naranasan ko during my grade 6 time. nasampal ako nito nung kumalat ung tubig ko sa wooden floor. and suki ko siya sa avon products na sideline niya.