The TIME Now
im watching
Thursday, August 13, 2009
wala na, hay naku
Saturday, February 14, 2009
May Bukas Pa [review]
Tuesday, January 27, 2009
depressed
Ang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Ewan ko ba. Dapat sanay na ako sa mga ganitong sitwasyon. Ang ma-reject ng ibang tao. Ang senti ko no. Alam ko naman na bahagi iyon sa buhay ng tao. Hindi kasi ako maka-move-on. Muli akong pinadalhan ng email mula sa isang recruitment agency sa Makati para sa aking interview for events associates position. Kaya pinuntahan ko muli nitong umaga kasama ang isang kaibigan, para sa tumugon sa kanilang paanyaya nila sa akin. Subalit noong nasa umpisa na ng interview naming dalawa ay nalaman ng interviewer na dati na pala akong nag-aaply at ininterview sa parehong position. At ipinasa na lang ako sa isang babae para ako ay kausapin sa evaluation ng application ko at naiwan ang kaibigan ko sa lalaking interviewer. Sa lahat ng medyo-may-kahabahang mga pananalita ay sinabi sa akin ng babae na ‘you did not qualified for this position’.
RECAP: Ang bilis naman ng evaluation ko, pagkatapos pa lang na sagutin ang pangalawang tanong sa amin ng lalaking interviewer na ‘is this your first time you applied here in our company?’ ay bigla na lamang ako ipinasa sa ibang interviewer at pagkatapos ay sinabihan na lamang ako na hindi ako nag-qualify sa posisyong iyon at inireto na lang ako sa ibang recruitment agency.
Last june or july ata ako nung unang nag-apply sa kanila.
Bitter ba? Ewan ko. Nakakasawa na rin kasi. Naalala ko tuloy ang palabas na Ugly Betty. Walang kumukuha sa kanya dahil sa kanyang taglay na kapangitan pero matalino magaling at magaganda ang mga credentials niya. Hindi naman na magaling at matalino din ako tulad ni betty. Pero masasabi ko na maganda naman ang mga experiences ko at may ibubuga ako talaga. Nasa isip ko lang naman ito.
Halos pitong buwan na ang nakaraan, marami na rin ang nadagdag sa aking karanasan. Pakiramdam ko hindi ito sapat kung may ibang bagay pang hinanap ang ibang tao sa iyo.
Sayang, bakit hindi ko naitanong kung anong dahilan kung bakit hindi ako nag-qualify sa position na inaapplyan ko.
baka eto ang sagot: ‘you can’t communicate and present well to the clients’.
Ang sabi ko naman sa sarili ko: I believe I am organized and skilled in this field. And for me, there is always alternative ways to communicate.
Parang high school lang ang scenario ko ngayong araw na ito. Batid ko na hindi ako gusto ng maraming tao. Ewan ko. Sinusubukan ko namang maging mabuti sa kanila. Ayun, rejections pa rin ang inabot ko.
Naisip ko nung isang araw bakit hindi na siya nagtetext, nung isang isang araw ganun din, walang paramdam. Nakakatorete, hindi ko maisip ang dahilan kung bakit hindi siya nagpaparamdam kahit man lang view sa friendster account ko. mabuti pa yung kaibigan ko tinext niya.
Baka nakakarma lang ako, kasi pag hindi ko gusto ung isang tao hindi ko pinapansin, hindi ko tinetext, kahit view sa friendster account.
Magsimula ng pinitas ko ang rosas sa parang hanggang sa mahawakan ko ang dairy cream palagi na lang nila ako iniiwan sadyang iniiwasan. Pagkapitas pa lang ng rosas mabilis na itong nalanta, sana lang daw hindi ko lang siya pinitas. Para ding yelo ang dairy cream, hawakan mo sandali natutunaw na. ayaw niyang magpahawak. Mas Ok sa kanya kung nasa ref lang siya.
Hindi talaga malinaw sa akin kung bakit ayaw nila.
Parang ganito ata ang dahilan: naalala ko noon na binanggit sa akin ng kaibigan ko na sabi ng kanyang nanay na ‘siguro kung hindi ako ganito marami sigurong magkakagusto sa akin.’
Ang sabi ko: aray ko. Sana maging perpekto na ako. (pathetic)
Monday, January 5, 2009
2009
Wow! Its 2009 na pala. And I thank God that he allowed me to live this far. In spite of my sins that I had done in the past years, he always love me. And I pray to him that he will always guide me, care, and forgive my sins.
i hope you guys will have a great fortune this 2009.
god bless us!
Tuesday, November 25, 2008
Sulat
kaibigan,
Naalala mo pa ba nung una tayong magkasama sa isang laro o sa isang group activity sa klase natin? Hindi ko pa alam ang pangalan mo at sa malamang hindi mo rin alam ang pangalan ko. Pero nung lumipas ang bawat sandali, magkasunod nating natuklasan ang mga pangalan natin sa isa’t isa. Eto pala ang pangalan mo at ganito naman ang pangalan ko. Nabanggit mo na doon ka nakatira at sinabi ko naman na sa dako paroon naman ako nakatira.
Lumipas ang maraming linggo, marami na tayong napapagkasunduan. Pabagsakin ang mga eroplanong papel na ginawa natin, palubugin ang mga bangkang papel, dagitin ang ibang saranggola, batuhin ang mga pusa, gumala sa kung saang man natin gustuhin, magbaraha, magcomputer at kung anu ano pa. Masayang masaya natin yon ginagawa. At gusto kong lagi nating gawin iyon. Siyempre, hindi sa lahat ng oras ay puro saya lang trip natin. dapat mag-away tayo... kung saan ay nagawa nating baligtarin ang ikot ng mundo. Pinag-awayan natin ang ilang sa mga bagay na dati naman ay pinag-kakasunduan natin. Ang kantyawan natin na nagkapikunan, nagkamurahan, at pagkatapos ay nagsuntukan na tayo. Nagalit ka pa nang hindi ko pinagbigyan ang hinihingi mong pabor. Hindi kita pinansin pagkatapos mo akong pinahiya sa iba pa nating mga kaibigan.
Sa kabila ng ating di pagkaka-unawaan ay dumating sa puntong nasubukan ko ang tibay ng pagkakaibigan natin. Sinamahan mo akong makipagbasagan ng mukha sa mga tambay sa kabilang kanto kahit hindi ko naman sinasabi sa ’yo. At buong tapang naman kitang sinamahan sa pagresbak kahit na ako ay natatakot.
Magkaganun pa man, nais kong ipaalam sa ‘yo na ang pagkakaibigan natin ay hindi nagkataon lang, ito’y nakatadhana na. masaya ako dahil ikaw ang naging kaibigan ko. At huwag mo sanang kalimutan na alalahanin ang pagkakaibigan natin hanggang sa huli.
Sumasaiyo,
kaibigan
-kevin paul m. faustino, 2008
Barangay Pasong Tamo, Tandang Sora
Quezon City
Sunday, November 23, 2008
kevs me! kevs me not!
Tuesday, November 18, 2008
Culiat High School
Just a night after my graduation ceremony in Cainta elementary school, my mom and I set up all the furniture and other appliances for moving it to our new home in Quezon City. During that time, I thought I would spend my vacation in Cainta and pursue my secondary study there. I felt sad that it would be happen anymore. What should I do? Just move on.
Since I’m here now in Quezon City, I must find a better school to continue my study. In the financial situation of my family, I’m cannot afford the tuition fees in the private schools such as New Era University, St. James Colleges, Ateneo de Manila…hehehe[ambisyoso kasi ako!]. so I just consider New Era High School, kasi, puro mga ‘kapatid’ ang mga nag-aaral doon… mga iglesia ni cristo member. However, nung enrolment day that time masyadong maglo kasi andaming nag-enroll. And I heard from other enrollees that the school might not accept students which are not residing in barangay Culiat and new era. Oooh so ganun pala ang mangyayari ata. Anyway I decided to go to Culiat High School.
Unlike in NESH, the flow of enrollment is smooth. Kaya sandali lang ako dun sa Culiat. Just before twelve noon. Just in time.
Then as a first year student, I am scared and nervous, like I always do. Lalu na nung mapabilang ako sa class section 2. So much pressure talaga. Yun nga lang hindi ko din pinagbuti kaya nung nagsecond year ako medyo bumaba ung class section ko. Adviser teacher namin si mam crisanta gurango, English subject ang tinuturo niya.
Mga classmates? [sana may matandaan pa ako]
Salvador fontanilla, luis macasinag, raymund elliares, roman Lawrence fortes, joy esquejo, princess tahara abantas, rachelle ang, irwen bigno, dodie karl nicanor, Jeffrey maraño, dennis martirez, …
The best thing I can remember in that year e nung matapos ung first high school-Christmas party ko, naging audience kami ng Today With Kris Aquino for the whole month ng December. Wa kasawa!
Second Year – Sir Joel Espina, Social Studies subject. Section 4. Haha pinapila niyan kami sa gym para gawin ang flag down ceremony mabuti na lang sinamahan kami ng section 12 ata? Hehe kasi kami lang ung class na hindi umattend ng flag down ceremony, nasa room lang kami at nagkakasiyahan, may mga nagbabasketball, naglalandian[totoo], harutan, sugalan, digits, and the usual daldalan.
Classmates: my ever loyal Raymond rusiana, lilet cuyco, christopherson sonza, Jeffrey maraño, dodie karl nicanor, Jennifer yacap, mary grace malcontento, coralyn orsal, ….
Pero the best experience ko noon ung nag-excursion kami sa bulacan. And ito din ung year na first time kong hindi umattend ng Christmas party.
Third Year – Mrs. Domingo, Chemistry subject, Section 4 ulit.
Fourth year – Sir Favila, Math subject. Section 3.
Sunday, November 16, 2008
Cainta Elementary School: 2008 na! Kumusta ka na?
kailangan kong iwan ang school na ito
at magtransfer sa Ugong Norte Elementary School
then i settled there hanggang grade 4 lang - 1997 .
at dun na rin ako grumaduate.
batch 1999.
eto sila:
Grade 2 - Mrs. Estonia? hehe pero malapit lang ang bahay niya sa school - madona ba yung name ng place niya? matagal na kasi kaya hindi ko na matandaan. section 3 class adviser siya. syempre magaling ako e.
"The Hellicopter and the Super Walis Tambo"
may dinidiscuss siya sa amin eh hindi ako nakikinig,
nakatingin ako sa bintana.
transparent ung bunita kaya nakikita ko ang mga bagay sa labas. ngayon habang nakatingin ako dun, may dumaang helicopter tapos biglang nag-stuck up na lang dun. ngayon nagtaka ako bakit tumigil sa ere ung choper na un. tapos kinuha ko ung walis tambo na nakakalat sa cleaning cabinet tapos ginawa ko siyang baril at pinababaril ko ung helicopter with SFX pa ha. hayun pinagalitan ako ni mam estonia at pina-squatt niya ako.
Grade 3 - Mrs. Normita Delas Alas, section 4 adviser. naging teacher ko lang siya for 3 months. kasi limipat nga ako ng school.
Grade 4 - Mrs. Martinez, UNES, QC
Grade 6 - Mrs. Ellen L. Francisco, section 5 adviser. madaming masasaya at malulungkot na naranasan ko during my grade 6 time. nasampal ako nito nung kumalat ung tubig ko sa wooden floor. and suki ko siya sa avon products na sideline niya.
Thursday, August 28, 2008
my dream laptop
few months ago when i first saw this laptop model of acer in an I.T. show.
it has 2 gb of memory and a very well video memry of 128 mb, at least.
its very important for a computer to have a high RAm and video memory kasi not just for playing purposes also for media applications such as video editing, adding effects on it,
photo/image editing, flash animations and etc.
if i have a laptop like this i can work anywhere and anytime besides i work in front of my
clients.
but the price is worth PhP 49,800!!!
ang hirap pa naman mag-ipon sa panahong ito tapos wala pa akong trabaho hindi pa kasi ako
gumagraduate.
anyway eto nga pala ung itsura ng laptop na sinasabi ko.
http://www.acer.com.ph/notebook.php?pkey=95
Monday, August 18, 2008
VIDEO EDITOR IS HERE
i think its a good idea to tell everyone especially here that I can edit videos from basic to advance video editing level.
I am now accepting video projects... documentary, music videos, short movie, or even full length features. sige lang.
I can work with these video editing software:
Avid, Final Cut, Adobe Premiere, Vegas.
i can provide neat and excellent video editing service.
- for "students" video project PhP 300 NA LANG! [per 30 mins simple video length provided with your script or Edit Decision List]
- for full length project [60 mins up] the price is around PhP 3000 or less pa!
for metro manila area only.
Wednesday, August 13, 2008
Rebecca Remorosa
maganda at mabait din yan.
one thing ang talagang naalala ko sa kanya eh yung dumating bigla ung lola niya sa room namin then nagalit ito sa kanya medyo di ko na maalala kung anu ung reason kung bakit siya pinagalitan.
anu na kaya itsura nito ngayon?
Monday, August 11, 2008
gerald vital
ugali ang tumingin sa ibang tao. naiilang ako. pero i think siya un. bumaba siya sa tapat
pero if you are not, disregard mo na lang. kumusta na lang. hehe
charo cruz
mabait din ito tropa nila nica, mary ann et al. madalas ko tong utangan pagdating ng uwian.
anu pa ba?
yun na lang ang natatandaan ko sa kanya.
john reyshel garilao
hmmm... i would say he is a very very nice person i'd ever met during my last year in
elementary. nice guy in a way na ginugulpi mo na [parang] hindi pa nagagalit.
in other words mahaba ang pasensya niya. and a quiet person, not mysterious guy type. oo nga no
hindi ko matandaan kung sino ang pinaka-close niya among my classmates or even in
our batch.
nagtataka lang talaga ako bakit may reyshel in his name? anyway nandyan na yan and yun ung
binigay eh. kumusta na kaya ito?
Sunday, August 10, 2008
nica hernandez
siya ang madalas na tagasingil sa mga paninda ni mrs. genoviva [nakalimutan ko ung surname].
nakatira siya malapit sa school namin [cainta elementary school]. masaya siyang kasama madalas
kumakain kami sa bahay nila, sa bandang labas ng bahay nila kasi marami nang tao sa loob ng bahay nila. naalala ko siya kapag nakakita ako ng earphone. connection? kasi hawak niya ung first ever sony walkman ko eh pinutol ni jaime ung earphone ko. aun napaiyak na lang ako sa inis.
mary ann sapitula
Wednesday, March 19, 2008
what went wrong sheeptees?
sino ba ang may kasalan kung bakit natalo tayo?
ako. tinamad ako nung mga panahong kailangan nila ng taong tutulong sa kanila para matapos ung
kailangan nilang matapos.
ung iba. [hindi na kailangang banggitin ang mga pangalan nila, baka magalit]. pumupunta lang sa
apartment kapag natataong walang gagawin.
sila. na hindi pumupunta talaga.
ung iba pa.
mga taga-research. sobrang haba ng panahong nasayang para lamang maghanap ng mga data na may kinalaman sa peanut
butter. halos lahat ng mga kasapi nito kasama na ako, tinamad.
mga tagabutas [lang]. walang ibang ginawa kundi ang bumutas nang bumutas ng mga idea. mahalaga sila
upang makita namin ung mga mali sa aming ginagawa.
frontliners. hindi ko naman masisi ang traffic sa manila kung bakit sila nalate sa presentation na
halos ipacancel ni mam bets.
documentation. wala naman akong naitulong dito e.
hala si mam bets? papetiks-petiks kasi tayo nung unang linggo pa lamang.
hay. AdClash 2008
i can't say its a waste of time, money and effort. who would know? para kasing
lumabas na hindi prepared ang section in presenting the IMC. maganda kung sa maganda
talaga ung TVC namin. pati rin ung radio namin.
akala ko ung 4-1d ung mananalo, kasi, opening pa lang nila ang ganda, pati ung TVC at mas
lalu na ung radio nila grabe kinilabutan ako dun. ang ganda! well prepared talaga sila.
yung sa grand winner naman{[4-2n] kina jasper et al}, kung sa ganda lang ng tvc mas
maganda na ung sa amin pero mas maganda parin ung sa 4-1d. siguro, kaya nanalo ung 4-2n dahil siguro
sa consistency ng campaign nila from tv to below-the-line advertising nila.
eto siguro ung isa sa mga factors kung bakit wala kaming nakuhang awards.
pero masakit naman para sa isang section ata na magada na halos lahat ng prinesent nila wala din silang
nakuhang award. ang sakit naman nun.
Wednesday, February 13, 2008
Uy 2008 na pala
ang bilis talaga ng panahon. di ko na namalayan na 2008 na pala.
marami na palang nangyari. marami na ring nabago.
di pa tapos pero nakapost na agad
Monday, October 22, 2007
Brentwood Village, Barangay M. Roxas, Baguio City - DAY 4
this is the last day staying here in baguio. kaya susulitin ko na ang mga oras kasama sila cliford, kris, jess, jan pol, jr, sani, ralp, edmond, jan mae, and bogart [ba yun] actually girl yun. why? i dunno.